MARNELLA handa na nga ba para sa I LOVE YOU SINCE 1892 movie.
- ikeenakayama
- Feb 7, 2020
- 2 min read

Isa sa mga pinaka-aantay ng mga manonood sa industriya para sa taong 2020 ang pagsasagawa ng movie na I LOVE YOU SINCE 1892 na isinulat ng kilalang manunulat na si Binibining Mia o mas kilalang Undeniably Gorgeous.
Ayon sa mga tagapagsubaybay, sinasalang na umano sa mga historical movies o teleserye ang dating magka love team na sina Marlo Mortel at Janella Salvador upang paghandaan ang nalalapit na pagsasagawa ng movie ng I love you since 1892. Sinasabing ang pelikulang ito ay ang siyang magiging grand comeback project umano ng MarNella para sa taong ito. Usap-usapan na din ngayon ang pagbabalak ng ABS-CBN na ibalik ang nasabing tambalan na tumatak noon sa maraming tao na siyang napatunayan naman dahil sa mga naglalabasang artikulo sa social media tungkol sa dalawa.
Ang Marnella ay ang nasabing pinakaunang tambalan ng dalawa sa Industriya kung kaya't kataka-taka ang biglaang pagkawala nito sa ere.
Bagamat di na ulit nagsama sa isang proyekto, patuloy pa rin silang sinusuportahan ng mga fans nito na hanggang ngayon ay pinipilit pa rin buhayin ang nasabing love team. Mas lalo naman umingay at dumami ang mga tagahanga ng dalawa dahil sa sunod-sunod nilang book signing na siyang hinihiling ng mga mambabasa ng I love you since 1892. Tinatalang umabot na sa 85 Million na readers and nasabing nobela, at palaging Number 1 Best Seller in Philippine Fiction category sa lahat ng National Bookstore sa bansa.
Hindi naman magkamayaw sa kilig ang mga tagasuporta ni Binibining Mia na isa ring MarNella fan dahil sa posibleng pagkakaroon nito ng enactment na bibidahan ng dalawa.
Ayon sa mga mambabasa ng storya, nararapat lamang daw gawan ito ng pelikula dahil sa ganda umano ng plot na kahit matatanda ay tinatangkilik na ito. Ang storya umano ay hindi lang nakafocus tungkol sa pag-ibig kundi pati na rin sa pagmamahal sa sarili nating bayan na tiyak kapupulutan ng aral ng mga manonood.
Kamakailan lang din ay nagkaroon ang dalawa ng kanya kanyang movie at teleserye na malahistorical ang tema. Si Marlo Mortel ay nagkaroon ng movie na pinamagatang "Damaso: The Musical" bilang Ferdie Damaso na pinalabas noong Nobyembre 2019. Kasama din ng aktor ang mga beterano sa takilya na sina Vina Morales, Aiko Melendez, Arnel Ignacio at iba pa. Samantalang si Janella Salvador naman ay bumida sa teleseryeng "The Killer Bride" bilang "Emma Bonaobra" na kakatapos lang noong Enero. Kasama niya rito sina Maja Salvador, Sam Conception at iba pang sikat na artista sa industriya.
Sinasabing, ang mga proyektong ito umano ng dalawa ay siyang preperasyon na sa nalalapit nilang comeback dahil sa planong pagsasagawa ng movie para sa I love you since 1892.
Kommentare