top of page
Search

MarNella balik tambalan na nga ba sa 2020?

  • Writer: ikeenakayama
    ikeenakayama
  • Feb 6, 2020
  • 2 min read




MarNella, magbabalik tambalan na nga ba sa 2020?


Iyan ang usap-usapan ngayon sa social media na ang maaring pagbabalik tambalan nina Marlo Mortel at ang dati nitong on screen partner na si Janella Salvador.


Maraming mga artikulo ang nagsisilabasan ngayon ukol sa maaari nilang pagbabalik tambalan ngayon taon, kasama na sa listahan nito ang Joshlia, Kathniel, Mclisse at ang Jadine.


Walang humpay naman ang kasiyahan ng mga MarNella fans ng makita nila ang mga artikulong ito na pinost ng http://Chalk.Ph at http://Myx.abscbn.com.


Noong nakaraang linggo lang din nagpost sa kanyang Instagram account si Marlo ng sariling version niya ng meme at si Janella Salvador ang picture na nakalagay sa tinder meme nito, na may pa caption pa ng "Sabi ko na" na nireplyan kaagad-agad ni Janella ng " Hoy " at "Excuse me, bakit ako nadamay dito".


Maalalang ang MarNella ay naging magkalove team noon dati sa "Be Careful with my heart" at "Oh My G", kasunod din nito ay ang movie na pinagsamahan nila sa Mano Po 7: Chinoy at The Hunted Mansion. Sila rin ay gumanap noon sa MMK na pinamagatang "Kard" na umani ng magagandang komento galing sa mga manunuod.


Sa ngayon ang MarNella ang portrayer ng isa sa sikat na nobela na isinulat ni Binibining Mia o mas kilalang si Undeniably Gorgeous na pinamagantang I LOVE YOU SINCE 1892 na mayroon ng 85 Million readers sa WATTPAD at siyang under publication rin ng ABS-CBN Books na siyang palaging Number 1 best seller as Philippine Fiction sa National Bookstores Nationwide mula pa noong naipublish ito hanggang nitong Enero.


Ayun sa mga komento ng mga mababasa ng istoryang ito, bagay na bagay umano si Marlo Mortel na gampanan ang role ni Ginoong Juanito Alfonso at si Janella Salvador naman bilang Carmelita Montecarlos sa dating panahon at Carmela Isabella sa makabagong panahon. Matagal na rin hinihiling ng mga mambabasa na magkaroon ito ng teleserye o pelikula.









 
 
 

Komentáře


LATEST CHIKAH

Drop Me a Line, Let Me Know What You Think

Thanks for submitting!

© 2023 by Train of Thoughts. Proudly created with Wix.com

bottom of page