top of page
Search

Mario Maurer at Baifern Pimchanok reunited after years past.

  • Writer: ikeenakayama
    ikeenakayama
  • Feb 8, 2020
  • 1 min read


Muling magkakatambalan ang dating sikat na love team ng Thailand na si Maurio Maurer at Baifern Pimchanok matapos kumpirmahin ng dalawa na sila ang bibida sa pelikulang "Laser Candy".


Kamakailan lang din ay nagpost ng pictures sa Instagram ang actress na magkasama sila ng actor na may caption na "our new movie" na may hashtag na "Laser Candy". Posible umano na ang mga pictures na pinost ng actress ay ang unang scene ng pelikulang pagbibidahan nila. Ang sinasabing bagong pelikula ay siyang grand reunion project ng dalawa, matapos ang huling pelikulang ginampanan nila na Crazy Little Thing Called Love na pinalabas noong 2011.


Usap-usapan mula pa nitong Enero na magkakatrabaho ulit ang dalawa na kinagalak naman ng mga fans nito, hindi lang sa Thailand kundi pati na rin sa buong Asya. Matatandaang ginawan ng iba't ibang dubbing version ang pelikulang Crazy Little Thing Called Love noon na hindi naman pinalagpas ng mga pilipino.


Ayon sa Guru Magazzine ng Bangkok Post sa facebook page nito, ang tema umano ng movie ng dalawa ay isang modern love story, qouted " A modern love story set in the near future where an Al building is a powered by human feelings. Due to a software glitch, it falls inlove with a real girl, escapes the building into the body of a real man, and tries to win her affections."




 
 
 

Comments


LATEST CHIKAH

Drop Me a Line, Let Me Know What You Think

Thanks for submitting!

© 2023 by Train of Thoughts. Proudly created with Wix.com

bottom of page