James Reid, nagsalita na sa hiwalayan nila ni Nadine Lustre.
- ikeenakayama
- Feb 7, 2020
- 1 min read

Inamin ng singer at actor na si James Reid na mahal pa rin nito ang ex girlfriend nito na siyang ka love team din na si Nadine Lustre matapos ang maingay na hiwalayan nito dahil umano sa issue ng pangangaliwa.
Kamakailan lang ay umusbong ang issue ng hiwalayan ng dalawan dahil sa pagkalink umano ng kapatid ni Yassi Pressman na si Issa Pressman na siya ring matalik na kaibigan ng dating magkasintahan.
Ayon kay James, hindi daw makatotohanan ang mga binibintang sa kanya ng mga fans sapagkat ang rason ng hiwalayan umano ng dalawa ay di dahil sa cheating kundi gusto lamang nila mag focus muna sa kani-kanilang buhay at ambisyon.
Inamin din ng actor sa isang panayam niya sa fashion magazine Mega Man noong Pebrero 2020 na hindi pa niya alam ang buhay niya na wala si Nadine. He qouted " Who I am without Nadine yet" , " We've been in a love team for so long. And that's been my whole life. I can't even begin to think of who I am or what I'm supposed to be outside that love team, which is scary. And that's why I said I got a lot of figuring out to do," sabi ng actor.
Dagdag pa niya, mahal pa rin niya ang dalaga, " I still love her. It's just my perspective on love has broadened".
Ang Jadine ay isa sa mga sikat na love team sa Pilipinas na hinahangaan ng marami dahil sa galing ng dalawa sa pagkanta at pag-arte. Ani pa ni James, welcome pa rin naman din siya makatambalan ulit ang dalaga sa mga darating pang panahon.
Comments